Monday, August 6, 2012

Dapat nga bang maging masaya?

Hindi maintindihan ang panahon ngayon. Uulan, aaraw, uulan ng malakas, aambon. Masaya nga nga ba? Dahil masarap ang panahon?



Onting ulan, humuhiling ka, "Sana walang pasok." Makakapag-pahinga at makakatulog ka magdamag. Masaya ka nga ba? Dahil sa bagyo, walang pasok. Sabay titirik ang araw saglit, pupuslit ka ng oras para makaalis, maiisipan mong mag-saya at lumabas. Sabay uulan ulit ng malakas. Masaya ka nga ba? Dahil sa bagyo, makakaalis at makagala ka? 


Ang lamig ng panahon dahil sa hanging dala ng bagyo. Hindi na kinakailangan maglabas magbukas ng electric fan o aircon. Masaya nga ba? Dahil sa bagyo, makakatipid ka sa kuryente. Mga bata, miski matanda aliw na aliw maligo at makipagsabayan sa agos ng ulan. Naliligo sa ulan, ngiti't hagikhik ang iyong maririnig at makikita. Masaya nga ba? Dahil sa bagyo, mararanasan mo ito. Kapag ganito ang panahon, sabi nila masarap magkape at tumambay isabay mo na ang paborito mong tugtog.  Masaya ka nga ba? Dahil sa bagyo, makakapag-relax ka? 


Habang ikaw ay nagrerelax, naisip mo ba ang mga taong walang matuluyan at matuluga? Ni minsan ba sumagi sa isip mo kung ano ang pakiramdam? Habang sila ay naghahanap ng silong at ikaw ay nagdadasal na sana walang pasok, naisip mo ba ang kaibihan? Masaya pa rin ba? Paano na ang mga sanggol na bagong panganak pa lamang at walang matirhan? Kapag naisip mo sila, masaya pa rin kaya? Humihiling ka ng suspension dahil tinatamad kang pumasok, masaya pa rin kaya kapag naisip mo ang mga bahang lugar na parang dagat na? Halos umapaw na ang mga ilog at dam. Paano ka kaya ang mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa bagyo? Masaya pa rin kaya?


Maaaring oo, masaya pero habang nagsasaya ka, sumagi na ba ito sa isip mo? Hindi siguro sa lahat ng panahon, kaligayahan natin ang isasaisip natin. Madaming dapat isipin, hindi lang ang sarili mo. 


PANALANGIN, ang solusyon. 

No comments:

Post a Comment